Translate:

Linggo, Enero 19, 2014

Manila~

MANILA

May mga taong gustong-gusto pumunta sa ibang lugar sa Pilipinas o kahit sa anong bansa. Ang problema nga lang ay wala silang oras para gawin iyon. Bakit pa kasi kailangang lumayo pa? Dito lamang sa NCR ay may mga bagay at lugar na pwedeng puntahan. Hindi ka na halos mapapagod sa pagpunta, hindi paganoon kalaki ang gagastusin mo. Saan ka pa di ba?


Rizal Park (Luneta)


Ang lugar na ito ay masasabi natin na isa mga lugar na kilang-kilala na ng maraming tao. Ngunit dinarayo pa rin ang lugar na it lalo na tuwing pasko at bagong taon. Makikita rito ang Chinese Garden, Department of Tourism at iba't ibang bagay na magpapaalala ng mga taong nagpakita ng kabayanihan. Malapit din ito sa Manila Ocean Park.

Isa sa mga hinahangaan ko sa lugar na it ay ang katahimikan ng paligid kahit malapity lamang it sa Taft at United Nations Avenue. Ang isa pa ay ang kalinisan sa paligid na napapanatili dahil sa mga taong may disiplina, nakakalat na basurahan at mga taong nagsisikap na linisin ang buong parke na ito. Hindi mo na rin kailangan pang umalis kung nagugutom ka dahil halos lahat ng sulok ay may mga Food Box na nagbebnta ng iyong mga kailangn. Kung hindi mo nadala ang iyong camera huwag ka ng mag-alala dahil may mga photographer din sa paligid, iyun nga lang kailangan mo ring magbayad.



Binondo


Maingay at magulo ang pumapasok sa isip ng ibang tao kung sasabihin mo ang lugar na Binondo. Salungat sa iniisip ng iba hindi naman ganoon kagulo ang Binondo. Nagmumukha lamang ganoon dahil sa mga nagkalat na vendor sa paligid dahil ang Binondo ay isa sa mga parte ng Divisoria. Isa sa mga patunay na hindi lahat ng parte ng Binondo ay magulo ay ang simbahan ng Binondo. Nang dumating kami doon ay nagsasagawa ng misa. Sa ibang simbahan na akin ng napuntahan ay karaniwan na ang mga batang palakad-lakad, mga tindero ng sampagita na halos sakupin na ang harap ng simbahan at mga kabataang ang lakas kung magkuwentuhan pero pag sasagot na sa mga samong tugunan ay parang nawawala na. Malaki ang kinaibahan ng simbahang ito sa mga naturang simbahan.

Siguro iniisip ng iba ay wala ng iba pang mapupuntahan dito na moderno. Kung ganyan ang iniisip mo ay nagkakamali ka. Nakakalimutan mo na kahit marami ng mga tindero sa labas ay may mapupuntahan ka paring mall at iyan ay ang Lucky Chinatown Mall na malapit din sa Simbahan ng Binondo.





National Museum

Isa sa mga lugar na nagpapakita ng kultura ng Pilipinas ang National Museum. Ang ilan sa mga exhibit na aming napuntahan ayang Sandiego exhibit na nagsimula sa pagpapakita ngmga nasira at ang mga narekober na mga kanyon. Ang mga sumunod ay nagpapaalala sa atin ng mga taon bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa. Ipinapakita dito ang Pilipinas na wala pang bahid ng ano man mula sa mga dayuhan. Ipinakita nito ang ating pinagmulan ng ating lahi at ang mga dating tradisyon ng mga ninuno natin tulad ng mga kagamitan at kung paano inililibing ang mga patay. Ang pinaka huli ay nagpakita ng kinahitnatnan ng Pilipinas na naglakbay sa iba-ibang milenya. Ipinakita kung gaano na nagbago ang Pilipinas pagkatapos sumailalalim sa mga mananakop na Kastil, Amerikano at Hapon. Ang mga impluwensya sa kultura, at tugon sa kapaligiran na humantong sa paglitaw ng mga pangunahing mga grupo na may maraming mga maliliit pang mga grupo. Ang pagkakaroon ng isang karaniwang kaalaman tungkol sa ating kasaysayan ay isang malaking tulong para tayong mga Pilipino ay mahalin ang ating sariling bansa.
                                         

  Intramuros


Panahon pa ng pananakop ng mga Kastila ng itinayo ang lugar na ito kaya naman kahanga-hangang isipin na ito'y nakatayo pa rin pagkatapos ng amramong taon. Nagpapaalala uli ito sa atin ng ating mga nakaraan, isang istorya na nanganganib na makalimutan ng iba nating kababayan. Maraming makikitang lumang lugar dito tulad na lamang ng Manila Cathedral na sa kasalukuyan ay inaayos. Ang isa pang halimbawa ng lumang simabahan na nakatayo sa loob ay ang San Agustin Church. Ang dalawang simbahang ito ay nagpapatunay lamang na ang impliwensiya ng Simabahang Katolika ay malakas noong mga panahong iyon. Ipinaalala rin sa atin ang kabayanihang ginawa ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Fort Santiago. 



*Akda ni: Marianne Faith Hadap

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento