Translate:

Linggo, Enero 19, 2014

MARIKINA~

Marikina

    

Malalaki at matitibay na mga sapatos at mga  magagaling na taga-gawa nito ba ang habol mo? Saan ka pa ba pupunta kundi sa Marikina na! Hindi lang mga sapatos ang maipagmamalaki kundi mga lugar na kabigha-bighani rin.


Marikina Shoe Expo, isa sa mga pinunupuntahan ng mga turista. Isa sa mga tampok dito ay isang sapatos. Sa kasalukuyan ang pares ng sapatos na ito ay ang may hawak ng “guiness book of world record” bilang pinaka-malaking sapatos  sa buong mundo.  Isa pa sa tampok rito ay ang kilalang koleksyon ng sapatos ng dating unang ginang na si Imelda Marcos, mga kilalang personalidad at mga galing sa mga iba’t-ibang bansa. Ito rin ang pinakamalaking koleksyon ng sapatos sa buong mundo.
Pinapakita nito ang kagalingan ng mga Pilipino sa larangan ng pag-gawa ng mga sapatos. Biruin mo nasa kanila na ang pinakamalaking sapatos, nasa kanila rin ang pinaka malaking koleksyon ng mga sapatos ! Iba talaga ang galing ng sariling atin.






*Akda nina: Marianne Faith Hadap








Kimberly Denise Navarro

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento